Episodes
Friday Oct 08, 2021
Friday Oct 08, 2021
Tagu-tago kapag may sipon. Takip ng mukha kahit mag-isa. Babad sa cellphone walang problema yan, basta huwag lumabas.
Akala ba natin normal pa rin to?
Dito, matatawag nating colleague ang isang binatang Gen Z. "Code Black" ang kaniyang napiling pseudonym, at nag-iisa lang siyang Gen Z na aming nakasalamuha. Imbis na malungkot, nag-aral siya. Imbis na matakot kinabukasan, nagtapang siya. See his perspective both as Gen Z and as regardless thereof.
Thursday Sep 23, 2021
Thursday Sep 23, 2021
Sinu-sino at anu-ano lang ba ang mga bagay na binibigyan natin ng permiso na apektuhin ang buong mundo? Madaming may kapangyarihan. Ngunit, may karapatan ba sila?
Uupo na lang ba tayo at papayag na daplisan, hipuan, lamut-lamutakan ang buhay na kinagisnan natin?
Hindi pwersa o bala ang labanan, kundi sa puso at sa isip. Kailangan natin magtanong.
Wednesday Sep 15, 2021
Wednesday Sep 15, 2021
Buo ba ang balita, o meron ba itong mga butas? Kapag ang tiwala ay walang hanggan, dahil ba sa pag-ibig? O dahil sa katatakutan?
Unti unti ng lumlahad ang mga katotohanan. Nagkalat na ang mga bali-balita sa FB. Mapanuri ka ba? O chill-chill lang, gaya gaya putomaya sa masang internet?
Kaibigan, magising.
Mahaba ang podcast. Gumamit ng kahit anong iOS o android app para madaling balik-balikan hanggang matapos ang buong talakayan.
Wednesday Sep 08, 2021
Wednesday Sep 08, 2021
Nagsanib-isip ang mga magulang upang talakayin ang tila bang shape-shifting morals pagdating sa pagpo-protekta sa kanilang mga anak mula sa "kobid". Napagtanto sa podcast na ito na maraming paraan upang magbigay ng tunay na proteksyon at gabay sa mga bata at anak na kanilang minamahal.
Thursday Sep 02, 2021
Thursday Sep 02, 2021
Ito ang unang podcast ng mga taong nagtagpo na maraming tanong tungkol sa covid. I-play ninyo ito habang nagmamaneho, nagko-commute, o nagtatrabaho sa bahay.
All messages may be addressed to cdcloungerph@gmail.com